^

Dr. Love

Kampihan blues

Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mistulang naiipit ako ngayon sa dalawang bato, malapit na kaibigan ko ang napangasawa ng aking bayaw at ngayong hiwalay na sila, ang biyanan kong babae at mga hipag ay gustong itakwil ko ang aking kaibigan.

Kaklase ko po mula kindergarten si Daisy, magkasama kaming nagdalaga at magka-opi­sina kami ngayon dahil bisor ko siya.

Kapatid ng mister ko ang nakamabutihan niya, nagpakasal sila at sa hindi ko mawaring dahilan ay hiwalay na sila ngayon.

Galit ang biyanan kong babae at ang mga kapatid ng asawa ko kay Daisy. Dahil bahagi raw ako ng pamilya, hindi na raw ako dapat makipagmabutihan pa sa aking kaibigan.

Dr. Love, walang humpay ang parunggit nila kapag kami ng asawa ko ay nasa bahay ng biyanan ko. Alam ng asawa ko ang tungkol sa issue at naiintindihan niya ako kung bakit hindi ko magagawa ang gustong mangyari ng nanay at mga kapatid niya.

Umiiwas na tuloy akong magpunta sa bahay ng biyanan ko.

Kahit hindi naman namin napag-usapan ni Daisy ang tungkol sa paghihiwalay nila ng ba­yaw ko at kung sakaling mag-open siya sa akin, neutral lang naman ako.

Pero paano ko maipapaunawa sa aking in-laws na wala akong gustong kampihan sa kaninumang panig. Sa palagay n’yo po ba may katuwiran sila na pagbawalan akong makipagkaibigan sa ex-in law nila? Payuhan po ninyo ako.

Maraming salamat po.

Gumagalang,

Emma

 

Dear Emma,

Tutal naman ay nauunawaan ka ng asawa mo kung bakit hindi mo magagawang basta na lang talikuran ang pagkakaibigan ninyo ni Daisy, hayaan mo na ang biyanan at mga hipag mo.

Marahil ay nadadala lang sila ng kanilang emosyon, kaya hindi matanggap ang kinahantungan ng relasyon ng iyong bayaw.

Ang pagkakampihan ay gawi lang ng mga paslit. Kaya tama ka, na manatiling neutral sa magkabilang panig.

Dr. love

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with