^

Bansa

PANOORIN: Padilla, sumipot sa unang hearing kaugnay ng pagtakas ni Dela Rosa

Philstar.com

MANILA, Philippines — Sumipot si Sen. Robin Padilla sa unang bahagi ng preliminary investigation sa reklamong obstruction of justice na isinampa laban sa kanya at ilang co-respondents kaugnay ng pagtulong umano sa pagtakas ni Sen. Bato dela Rosa.

Matapos ang pagdinig, maikli lamang ang naging pahayag ni Padilla nang tanungin tungkol sa proceedings, at sinabing haharapin niya ang mga reklamong isinampa laban sa kanya.

"Kung ano po ang sinasabi ng batas, yaan po ay susundin namin," ani Padilla nitong Biyernes, Setyembre 25.

Ayon sa abogadong si Jimmy Bondoc, hindi pa naihahain nina Padilla at ng kanyang co-respondents ang kanilang mga counter-affidavits dahil may mga karagdagang dokumento pang kailangang isumite ng complainant.

Nag-ugat ang reklamo sa mga alegasyong tinulungan umano ni Padilla at ilan pang iba si Dela Rosa na tumakas matapos niyang umalis sa Senate compound noong May 14, ilang oras matapos ang putukan sa loob ng gusali.

Nahaharap sa arrest warrant mula sa International Criminal Court si Dela Rosa, na nananatiling at large, sa kasong crimes against humanity na isinampa laban sa kanya kaugnay ng madugong war on drugs noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. — Geraldine Santos with reports from Ian Laqui

BATO DELA ROSA

DEPARTMENT OF JUSTICE

ROBIN PADILLA

SENATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with