US visa applicants dapat naka-‘public’ socmed accounts - US Embassy
MANILA, Philippines — Hiniling ng US Embassy sa Manila sa mga nag-a-apply ng visa na i-adjust ang privacy settings ng kanilang social media account sa “public” upang mapadali ang pagberipika sa kanilang pagkakakilanlan.
Agad na ipatutupad ang prosesong ito sa F, M, at J applicants ng non-immigrants visa.
Ang F ay ibinibigay sa mga indibidwal na nagnanais magpatuloy ng akademikong pag-aaral sa educational institution sa Amerika, habang ang M ay sa nais mag-aral ng vocational o non-academic studies at J para sa itinalagang exchange visitors program.
“Effective immediately, all individuals applying for an F, M, or J nonimmigrant visa are requested to adjust the privacy settings on all of their social media accounts to ‘public’ to facilitate vetting necessary to establish their identity and admissibility to the United States,” ayon sa US Embassy nitong Martes.
Noon pang 2019 nang i-required sa mga kumukuha ng visa ang magbigay ng social media identifiers sa immigrant at non-immigrant application.
“We use all available information in our visa screening and vetting to identify visa applicants who are inadmissible to the US, including those who pose a threat to US’ national security,” ayon pa sa US Embassy.
- Latest