Pinoy na gustong umalis ng Israel umakyat sa 311
MANILA, Philippines — Umakyat na sa 311 ang bilang ng mga OFW na nagnanais na bumalik sa Pilipinas mula sa Israel.
Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Israel, umakyat ang bilang buhat ng atakehin ng Amerika ang Iran.
Ang pinakahuling bilang ay kumakatawan sa halos apat na beses na pagtaas mula sa 85 Filipino sa repatriation waiting list bago maglunsad ang Israel ng mga missile strike sa Iran noong Hunyo 13. May kabuuang 30,000 Pilipino sa Israel.
Nakatakdang dumating kahapon sa bansa ang unang grupo ng mga Pinoy mula sa Israel pero naantala ang flight ng 26 matapos ang missile strike ng Iran laban sa isang malaking base militar ng US sa Qatar pasado hatinggabi noong Martes (oras sa Pilipinas).
Pansamantalang isinara ng Qatar ang airspace nito ngunit muli itong binuksan simula alas-8 ng umaga, ayon sa Department of Migrant Workers.
Bukod ?sa 26, isa pang grupo ng 50 Pinoy ang papauwiin bilang bahagi ng ikalawang batch.
Nasa ikalawang linggo na ang nangyayaring sigalot sa pagitan ng Israel at Iran.
- Latest