P10 bilyong shabu sa Zambales may ‘Chinese markings’
MANILA, Philippines — Ibinunyag ng Philippine Navy na ang Chinese drug syndicates ang hinihinalang nasa likod ng nakumpiskang P10 bilyong shabu sa karagatan ng Zambales nitong nakalipas na linggo.
Sinabi ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, Spokesman ng Philippine Navy sa West Philippine Sea (WPS), ang mga nakumpiskang droga ng kanilang mga tauhan ay may “Chinese markings” at ang bangkang pangisda kung saan ito natagpuan ay sinasakyan ng Chinese-Malaysian suspect.
“Historically, there have been instances of large hauls of illicit drugs apprehended in the maritime domain confiscated in our seas that have markings that appeared to be Chinese in characters,” ani Trinidad.
Naniniwala si Trinidad na ang iligal na droga ay kagagawan ng Chinese Communist Party (CCP) at hindi umano malayo na hangarin dito ang sirain ang pag-iisip ng kabataang Pinoy at kinabukasan ng bansa kaya nagbubuhos ang mga ito ng sangkaterbang illegal na droga sa karagatan ng Pilipinas.
- Latest