Davao Oriental niyanig ng magnitude 6.4 lindol
MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang Davao Oriental kahapon ng umaga.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang lindol dakong 9:58 ng umaga at ang sentro nito ay nasa 359 kilometro hilagang silangan ng Baganga, Davao Oriental.
Ang pagyanig ay tectonic na nag-ugat sa paggalaw ng trench o ng aktibong fault line sa lugar. Umaabot naman sa 010 kilometro ang lalim ng lupa nang naganap na lindol.
Sa kabila nito, wala pang ulat ang Phivolcs sa lakas ng intensity ng lindol sa naturang lugar.
Naramdaman ang lakas ng lindol sa lakas na Intensity 3 sa City of Bislig, Surigao del Sur, Tarragona at Boston, Davao Oriental at Intensity 2 sa Lingig, Surigao del Sur, Baganga, San Isidro, City of Mati, Manay, at Caraga, Davao Oriental, Glan, Sarangani; City of Tagum, Davao del Norte, Davao City, Santa Cruz, Davao del Sur, Tulunan, Cotabato.
Intensity I naman sa Barobo at Tagbina, Surigao del Sur, Governor Generoso, at Cateel, Davao Oriental; City of Digos, Davao del Sur at M’lang, Cotabato.
- Latest