^

Bansa

Pamana ni Pangulong Marcos: Malaking pagbabago sa buhay ng mga Pinoy

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pamana ni Pangulong Marcos: Malaking pagbabago sa buhay ng mga Pinoy
President Ferdinand Marcos Jr. holds a press conference at Malacañang on March 11, 2025.
STAR/ Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Hangad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na iwang legasiya sa pagtatapos ng kanyang termino ang magkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng mga Pilipino.

Tugon ito ng Pangulo sa tanong sa kanyang podcast interview kung ano ang nais na iwang pamana sa mga Pilipino pagkatapos ng anim na taong termino sa 2028.

Sinabi ng Pangulo na wala siyang ibang hangarin kundi magkaroon ng malaking pagbabago para sa mas magandang buhay ng bawat Pilipino at ito ang naging adhikain niya sa lahat ng mga puwestong hinawakan niya sa gobyerno.

Aniya, ang pinakamalala na mangyari ay umupo bilang Presidente subalit walang ginawa at naiambag sa buhay ng mga Pilipino.

“We made a change for the better. This has been my guide in all the positions I have taken. The worst things that can happen is umupo ka doon sa posisyon mo na nagsilbi ka, umalis ka, walang ipinagbago,” pahayag pa ni Pangulong Marcos.

Kaya titiyakin aniya ng Presidente na pagsapit ng 2028, kapag aalis na ito sa kaniyang tanggapan ay mayroong mahalaga at mga konkretong pagbabago para sa mas magandang buhay ng bawat Pilipino.

“So I absolutely ­insist that in 2028, when I leave this office, there are significant, tangible changes for the better in the life of each Filipino,” sabi pa ni Marcos.

PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with