Alert level 3 itinaas ng DFA sa Israel at Iran

MANILA, Philippines — Itinaas na sa alert level 3 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang krisis sa Israel at Iran dahil sa patuloy na bakbakan ng dalawang bansa.
Dahil dito kaya hinikayat ng pamahalaan ang mga Filipino roon na mag-avail ng voluntary repatriation.
Sa pahayag ng DFA, dapat ikonsidera na ng mga Filipino at kanilang mga pamilya ang repatriation para maiwasan na maipit sila sa gitna ng patuloy na labanan ng Israel at Iran.
Ipinapatupad ng gobyerno ng Pilipinas ang Crisis Level 3 o voluntary repatriation sa mga bansang may malalang kondisyon sa seguridad.
Tinatayang 30,000 manggagawa, karaniwan ay caregivers ang nasa Israel at mahigit sa 1,000 ang nasa Iran.
“All overseas Filipinos in Israel and Iran are enjoined to return to the Philippines,” ayon sa DFA.
Dini-discouraged naman ng DFA ang mga Pinoy na magtungo sa mga nasabing bansa dahil sa patuloy na kaguluhan at pagsasara ng kanilang airspace at seaports.
Ang mga nagnanais naman na umalis sa Israel at Iran ay pinapayuhan ng DFA na makipag-ugnayan sa embahada para sa kanilang repatriation.
- Latest