^

Bansa

Pangulong Marcos: K-12 sablay, dagdag gastos lang

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: K-12 sablay, dagdag gastos lang
President Ferdinand Marcos Jr. visits Epifanio Delos Santos Elementary School (EDSES) in Malate, Manila as the School Year 2025-2026 officially opens on Monday.
(Noel Pabalate/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang naging advantage ang K-12 program dahil marami pa ring mga estudyante ang hindi nakakakuha ng trabaho kahit nagtapos na ng Senior High School.

Nagpahayag ng pagkadismaya si Marcos dahil nagdagdag pa ng gastos sa mga magulang ang naturang programa tulad ng matrikula, pambili ng school supplies at libro sa loob ng 10 taon.

Gayunman, ipinapaubaya niya sa Kongreso ang desisyon kung aamyendahan o babawiin ang batas sa K-12.

Patuloy naman aniya ang pakikipag-ugnayan ng gobyerno sa pribadong sektor para ma-improve ang kasalukuyang sistema ng edukasyon sa ilalim ng K-12 at tugunan ang problema sa skills mismatch.

Pumasok din sila private public partnership para makapag-rebuild at build pa ng mas mara­ming eskuwelahan lalo na ang 160,000 kulang na classrooms sa buong bansa.

Ikinalungkot din ng Pangulo ang tila pinabayaang edukasyon sa bansa mula sa mga pasilidad hanggang sa kalidad ng pagtuturo dahil marami pa ring estudyante ang hindi marunong magbasa.

Maging ang mga silid-aralan ay lumang-luma na at panahon pa ng kanyang ama nang itinayo ang mga ito na dapat ng palitan pero pinabayaan lamang.

Sinabi ng Pangulo na walang pagsisikap ang mga nagdaang admi­nistrasyon na tulungan ang sektor ng edu­kasyon kaya pati ang rating ng Pilipinas sa STEM subjects (Science, ­Technology, Engineering and Mathematics) ay pababa ng pababa.

Giit ng Presidente na maraming teknolohiyang dapat na matutunan kaya ito ngayon ang tinututukan ng kanyang administrasyon

Tiniyak naman niya na bibigyang prayoridad ang kapakanan ng mga pampublikong guro sa pamamagitan ng pagsasaayos ng sistema na nakakaapekto sa kanila mula sa delayed na suweldo hanggang sa mabigat na pamamahala.

“I found out that’s the key. Support the teachers. Just support the teachers. So one of the things that we did binawasan namin ang kanilang administrative duties. Then we hired many more teachers,” ayon pa kay Marcos.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with