Isa, himalang nakaligtas sa bumagsak na Air India

MANILA, Philippines — Isa lamang ang himalang nakaligtas sa 242 pasahero ng Air India na bumagsak nitong Huwebes sa Ahmedabad.
Mahigit sa 265 ang napaulat na namatay kabilang ang mga nabagsakan ng eroplano na patungo sana sa London.
Ayon sa ulat, nag-crash ang eroplano sa isang canteen building kung saan may mga estudyante na kumakain ng kanilang tanghalian.
Iniulat ng Reuters na kabilang sa 242 sakay ng eroplano ang dalawang piloto at 10 cabin crew. Kabilang sa mga pasahero ang 217 adults, 13 bata kabilang ang dalawang sanggol. Sa mga pasahero, 169 ang Indian nationals, 53 Britons, pito ang Portuguese at isang Canadian.
Ang nag-iisang survivor ay kinilalang si Vishwash Kumar Ramesh, 40, isang British national na Indian ang origin. Ginagamot na ito sa ospital.
Ayon sa ulat, nakaupo si Ramesh sa seat 11A malapit sa emergency exit at nagawang makatalon ng mag-crash eroplano.
Kasama ni Ramesh na sakay ng eroplano ang kapatid na si Ajay Kumar Ramesh na nakaupo sa ibang row ng eroplano.
- Latest