Pangulong Marcos nakiramay sa India
MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamahalaan ng India matapos ang malagim na pagbagsak ng Air India Flight AI-171 kung saan tinatayang mahigit sa 200 katao ang nasawi.
Sa pahayag ng Pangulo, sinabi nito na ikinalulungkot ng mga Pilipino ang trahedya at ipinaabot ang pakikidalamhati kay Prime Minister Narendra Modi at sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay.
“Our thoughts are with every family, across India and beyond, grieving this profound loss. We stand in full solidarity with the people of India in this moment of sorrow,” saad pa ng Pangulo.
Hangad naman ng Presidente na maalala ang mga biktima ng may dignidad at mapagaan ang kalooban ng mga naiwanan ng trahedya kaugnay sa pagsisikap na matanggap ang hindi inaasahang pangyayari.
“Filipinos are deeply saddened by the tragic crash of Air India Flight AI-171 in Ahmedabad. On behalf of the Filipino people, I extend our most heartfelt condolences to Prime Minister Narendra Modi, the Government of India, and especially to the families and loved ones of all those who lost their lives,” pahayag pa ni Marcos.
Sakay nang bumagsak na eroplano ang may 169 Indian nationals, 53 British, pitong Portuguese at isang Canadian national habang isa lamang ang nakaligtas sa nasabing trahedya.
- Latest