Escudero vs Sotto sa Senate Prexy, umiinit

MANILA, Philippines — Ibinunyag ni Senator-elect Erwin Tulfo na kapwa naghahangad na maging Senate President sa papasok na 20th Congress sina Senators Francis “Chiz” Escudero at dating Senate president Tito Sotto.
Sinabi ni Tulfo na nagkaroon sila ng masinsinan at mahabang pag-uusap ng kanyang kapatid na si Sen. Raffy Tulfo tungkol sa magiging liderato ng Senado.
Sa kabila nito, wala pa aniya siyang pinapanigan kina Sotto at Escudero na kasalukuyang nakaupo pa bilang Senate President.
“Tingnan ko pa. Pareho sila iniimbitahan ako. They want to sit down with me,” ayon pa kay Tulfo.
Sinabi naman aniya ng senador na kakausapin muna niya ang kanyang kapatid na si Sen. Raffy Tulfo tungkol dito.
Ang Senate President ang pangalawa sa nakalinya ng paghalili sa pagka-pangulo pagkatapos ng Bise Presidente at siya rin namumuno sa Senado at may pangkalahatang kontrol sa mga gawain nito.
Bukod dito, siya rin ang tumatayong taga-pangulo ng Commission on Appointments (CA).
Nauna nang sinabi ni Sen. Bong Go na kinausap na nila Escudero at Sotto ang “Duterte bloc” para sa kanilang suporta sa pagnanais nilang maging Senate President.
- Latest