^

Bansa

‘Bicam buksan sa publiko at media’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iminungkahi ng isang kongresista na buksan sa publiko at sa media ang mga pulong ng ­Bicameral Conference Committee lalo na sa panukalang pambansang pondo sa halip na buksan lang sa Ehekutibo.

Ito ang sinabi ni House Senior Deputy Minority leader at Northern Samar Rep. Paul Daza, kasunod ng ulat na maaaring umupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Bicam, na siyang nilinaw naman na ng Malakanyang.

Paliwanag ng kongresista, ang pagsali ng sinumang opisyal ng Ehekutibo sa mga deliberasyon ng Kongreso sa pambansang budget ay maaaring panghihimasok sa prinsipyo ng “checks and ­balances” sa co-equal branches ng pamahalaan.

Binanggit ni Daza ang nasasaad sa section 24, Article VI ng 1987 Constitution na ang lahat ng mga panukalang batas patungkol sa pondo, taripa o buwis, at katulad ay manggagaling sa Kamara, ngunit uubrang magpanukala ang Senado o sumang-ayon nang may amyenda.

Ayon kay Daza, nauunawaan niya ang pag-aalala ng Pangulo sa “congressional insertions” at mga tapyas-pondo na lumutang sa 2025 National Budget.

Kaya kung nais aniya na magkaroon ng maayos na latag ng pambansang pondo at maiwasan ang anumang ­pagsingit lalo na ng “pork barrel”, sinabi ni Daza na panahon nang gawing accessible ang Bicam meetings sa publiko at media, bukod pa sa dapat ibahagi rin ang mas detalyadong report at hindi lamang summary ng lump sums.

Giit pa ni Daza, “deserve” ng mga tao na makita kung ano at saan napupunta ang mga alokasyon, at kailangan na malaman nila ang galaw ng kaban ng bayan.

EHEKUTIBO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with