^

Bansa

62 counts money laundering vs Guo isinampa ng DOJ

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Isinulong na ng Department of Justice (DOJ) sa korte ang 62 counts ng money laundering laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at iba pa.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) nitong Biyernes, ayon sa PAOCC ang kaso ni Guo ay isinampa sa Capas, Tarlac Regional Trial Court (RTC).

Kinabibilangan ito ng paglabag sa Section 4 (a), o pag-transact sa paggamit ng pera sa iligal na aktibidad; 5 counts sa section (b) o sa “converts, transfers, disposes of, acquires posseses or uses such monetary instrument at properties” at 31 counts sa section 4 (d) kaugnay sa pagtatangka o pagsasabwatan na gawin ang money laundering, na pawang sa ilalim ng Anti-Money Laundering Law.

Nitong linggo lang nang maghain si Guo ng magkakahiwalay na counter-affidavit sa tax evasion, falsification, at graft complaints na inihain laban sa kanya sa DOJ.

Nakapiit si Guo sa Pasig City Jail dahil sa kinakaharap na qualified trafficking case sa Pasig court, graft case sa Valenzuela court, at isang material misrepresentation case sa Tarlac court.

Isang quo warranto petition din ang inihain laban kay Guo sa korte ng Maynila, gayundin ang petisyon para kanselahin ang kanyang birth certificate sa korte ng Tarlac.

DOJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with