DQ ng BH party-list ibinasura
MANILA, Philippines — Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) First Division ang petisyon na idiskwalipika ang dalawang nominado ng Bagong Henerasyon (BH) party-list dahil sa teknikalidad.
Sa isang tatlong-pahinang promulgation noong Huwebes, sinabi ng dibisyon na nabigo ang petisyoner na si Atty. Russell Stanley Geronimo na magsumite ng mga kaukulang dokumento upang suportahan ang kanyang petisyon laban kay First Nominee Robert Gerard Lopez Nazal Jr. at Fifth Nominee Maria Editha Tan Alcantara.
“In view of the foregoing, the Commission (First Division) hereby resolves to dismiss the instant Petition”, sabi ng First Division sa desisyon nito.
Kabilang sa dokumento na nabigong isumite ng nagpetisyon ang kopya ng Certificate of Nomination-Certificate of Acceptance of Nomination (CON-CAN) na kailangan para maituring na sapat sa ayon ang petisyon, anang Comelec.
Paliwanag naman ni Comelec Chairperson George Garcia, hindi na hinihiling ng First Division na sumagot pa ang mga respondent dahil “talagang dismissible” ang kaso.
Ang BH party-list ay nanalo ng isang puwesto sa katatapos na eleksyon.
- Latest