^

Bansa

Marcos pinag-resign buong Gabinete!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Marcos pinag-resign buong Gabinete!
President Ferdinand Marcos Jr. holds a press conference at Malacañang on March 11, 2025.
STAR/ Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Pinagsumite ni ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr. lahat ng miyembro ng kanyang Gabinete ng courtesy resignation bilang bahagi ng mas malawak na pagsasaayos sa direksyon ng pamahalaan kasunod ng resulta ng halalan.

“It’s time to realign government with the people’s expectations,” ayon kay Pangulong Marcos.

Layon ng hakbang na ito na muling ihanay ang ­administrasyon sa mga tunay na pangangailangan at ­inaasahan ng taumbayan.

Ayon sa Palasyo, tapos na ang panahon ng nakagawiang pamamalakad at ang tinig naman ng mamamayan ang dapat mangibabaw, hindi ang pulitika.

“This is not business as usual.”

“The people have spoken, and they expect results—not politics, not excuses. We hear them, and we will act,” dagdag pa ni Marcos.

Sa pamamagitan aniya ng panawagang ito, binibigyan ng kalayaan ang Pangulo na masusing suriin ang performance ng bawat ahensya at tukuyin kung sinu-sino ang nararapat manatili sa Gabinete, batay sa bagong prayoridad ng administrasyon.

Itinuturing ng Malacañang ang hakbang na ito bilang pagsisimula ng panibagong yugto ng pamumuno—isang pamahalaang mas matatag, mas mabilis kumilos, at nakatuon sa kongkretong resulta.

“This is not about personalities—it’s about performance, alignment, and urgency,” the President added. “Those who have delivered and continue to deliver will be recognized. But we cannot afford to be complacent. The time for comfort zones is over,” pahayag pa ni Marcos.

Habang kinikilala aniya ang mga ­opisyal na nagsilbi nang may dedikasyon at ­propesyonalismo, binibigyang-diin ng ­administrasyon na kailangan ngayon ng mas mabisa at agarang tugon sa mga pangangailangan ng bayan.

Tiniyak naman ng Malacañang na hindi maaantala ang paghahatid ng pangunahing serbisyo habang isinasagawa ang mga pagbabago at mananatiling matatag ang operasyon ng pamahalaan habang binubuo ang isang mas mahusay na Gabinete para sa kapakanan ng mamamayan.

Habang isinusulat ito, nasa mahigit 30 Cabinet secretaries at iba pang ang posisyon ay may Cabinet rank ang nagsipagbitiw na.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with