Pasaporte ni Harry Roque ipakakansela ng DOJ

MANILA, Philippines — Nakatakdang hilingin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagkansela ng pasaporte ng abogadong si Harry Roque, na kasalukuyang humihingi ng asylum sa Netherlands.
Si Roque ay may nakabinbing warrant of arrest sa utos ng Angeles City Regional Trial Court (RTC) ang para sa kasong human trafficking kaugnay ng ilegal na Philippine Offshore Gaming Operations hub sa Porac, Pampanga.
Sinabi ni Remulla na kung makansela ang pasaporte ni Roque ay magiging isang undocumented alien ito, ngunit maaaring hindi siya agad ma-deport dahil sa kanyang asylum application.
“He will be an undocumented alien, pag wala siyang asylum at na-cancel ang passport niya he will be deported,” ani Remulla.
Sinabi ni Remulla na kailangang tapusin muna ang asylum bago aksyunan sa Netherlands ang kahilingan ng Pilipinas na balakid para maisilbi ang warrant of arrest.
Umaasa si Remulla na ikukonsidera ng pamahalaan ng Netherlands ang bigat ng kasong nakasampa laban kay Roque.
“I’m sure the asylum application will have to be finished before it is acted upon in the Netherlands, but we know that the Netherlands will not tolerate the commission of crimes that are being charged in this case, they will not tolerate it,” paliwanag niya.
- Latest