Eid’l Adha sa Hunyo 6, regular holiday

MANILA, Philippines — Idineklarang Holiday ng Malakanyang ang Hunyo 6, Biyernes bilang regular holiday sa buong bansa.
Ito ay dahil sa pag-obserba sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga Muslim.
Base ito sa Proclamation 911 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Mayo 21, 2025 na inirekomenda naman ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).
Ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang importanteng holiday sa mga Muslim calendar at ang iba ay ang Eid’l Fitr, na siya namang pagtatapos ng holy fasting sa buwan ng Ramadan.
- Latest