^

Bansa

Pag-upo ni Pangulong Marcos sa bicam inalmahan sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pag-upo ni Pangulong Marcos sa bicam inalmahan sa Senado
Ferdinand Marcos Jr.
Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Hindi maaaring sumawsaw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa deliberasyon ng 2026 national budget, ayon kay Sen. Risa Hontiveros.

Ipinaliwanag ni Hontiveros na hindi naaayon sa Konstitusyon kung sasali ang ehekutibo o sino mang miyembro nito sa pagdinig ng pambansang pondo dahil ang nasabing kapangyarihan ay nasa poder ng lehislatura.

“Sapat na ipadala ng executive ang national expenditure program sa House of Representatives. Mula noon, nasa kamay na ng lehislatura at nasa kamay lang natin,” ani Hontiveros.

Ipinaliwanag pa ni Hontiveros na magkakaroon lamang muli ng tungkulin ang Office of the President matapos mabuo ng Kongreso ang isang pinagsama-samang bicameral conference committee report sa panukalang badyet.

Sa huli ang Pangulo ang ­magdedesisyon kung lalagdaan ang panukalang pambansang budget o magpapatupad ng line-item veto.

Ayon naman kay incoming Senator Panfilo Lacson, maari lamang maging “observer” ang Pangulo pero hindi ito puwedeng sumali sa talakayan.

Bagaman at naniniwala si Lacson na puwedeng maging “observer” ang Pangulo, sinabi ni Hontiveros na walang tungkulin ang Pangulo na maging tagamasid sa bicam.

Nauna rito, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na sa sandaling matapos ang 2025 national budget, mayroon nang mga tagubilin si Marcos kaugnay sa isusulong na national budget  para sa susunod na taon.

Partikular na binanggit ni Pangandaman na kung kailangan ang presensya ng Pangulo, uupo siya sa bicameral conference committee at uupo sa proseso ng bicam.

RISA HONTIVEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with