Paghabol sa rice smugglers inuna bago P20/kilo bigas — Pangulong Marcos

MANILA, Philippines — Inuna muna ng pamahalaan ang paghabol sa mga korap na rice importers at smuggling syndicates bago ipinatupad ang P20 kada kilo ng bigas.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nito na kaya sa kalagitnaan lang kanyang termino ang P20 kada kilo ng bigas ay dahil hindi pa ito kayang ipatupad noong unang mga taon ng kanyang termino.
“Noong 2022, 2023, hindi pa namin kayang gawin,“ pag-amin ng Pangulo.
Ang pangunahing dahilan aniya ng pagtaaas sa presyo ng bigas ay dahil sa talamak na importasyon at smuggling, patunay aniya dito ang mga raid sa iba’t ibang warehouse kung saan nakatambak ang mga bigas.
Inamin din ni Marcos na ang rice importation ay naging talamak dahil sa sabwatan ng mga opisyal ng gobyerno na hindi iniintindi ang presyo ng palay, ang kikitain ng magsasaka at ang sistema.
“Dahil ang nag-i-i-smuggle mga opisyal din ng gobyerno. Kumikita sila. O ‘di bakit nila papalitan? Sige, pasok lang sila nang pasok,” dagdag pa ni Marcos.
Bukod anya sa pagtugon sa rice smuggling at hoarding, nagpapatupad na ang gobyerno ng bureaucratic at legislative reforms para lumakas ang rice production infrastructure.
- Latest