^

Bansa

Giyera kontra droga: Kalye, eskinita papasukin!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling palalakasin ng pamahalaan ang operasyon laban sa ilegal na droga sa mga kalye at eskinita sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bukod sa pagpapatuloy ng pagsawata sa malalaking operasyon, muli silang bababa sa mga kalye at eskinita laban sa mga illegal na droga.

Sa gitna na rin aniya ito ng daing ng taumbayan na talamak na naman ang street level operations ng droga sa bansa.

Paliwanag ni Pangu­long Marcos, tumutok sila sa malalaking sindikato at drug bust operations nitong mga nakaraang taon, subalit lumakas naman ang bentahan sa mga maliliit na lansangan.

Dahil dito kaya mu­ling palalakasin aniya ang operasyon laban sa mga pusher, at magiging bahagi na rin ng pagpapatrulya ng mga pulis ang pagbabantay laban sa mga tulak ng illegal na droga sa mga komunidad.

Mahigpit naman ang bilin ng Presidente sa mga otoridad na lumayo sa lumang sistema na nauuwi ang operasyon sa mga pagpatay sa mga hinihina­lang tulak o suspek, sa halip ay ipatupad ang due process.

Inamin naman ni Marcos na mahirap masawata ang droga sa bansa, lalo na at mala­king pera ang pinapagalaw dito.

Maging ang mga pulis aniya, mga lokal na pamahalaan at mga huwes ay nabibili nito, kaya naman patuloy nilang nilalabanan at binubuwag ang mga sindikato ng droga sa bansa.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with