^

Bansa

Pangulong Marcos gusto makipag-ayos sa mga Duterte

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos gusto makipag-ayos sa mga Duterte
President Ferdinand Marcos Jr. on November 24, 2024.
STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makipagkasundo sa mga Duterte.

Sa podcast interview ng Pangulo, sinabi nito na ayaw na niya ng gulo, gusto na lamang niyang makasundo ang lahat ng tao at hindi na niya kailangan ang kaaway.

“Ayoko ng gulo. Gusto ko makasundo sa lahat ng tao. Mas maganda. Marami na akong kaaway. Hindi ko kailangan ng kaaway, kailangan ko kaibigan,” pahayag ng Pangulo.

Hanggang maaari aniya ang habol niya ay stability at peaceful para magawa ang kanilang trabaho at lagi naman siyang bukas sa ibang pamamaraan para magkatulungan.

Kahit hindi aniya sila magkasundo sa polisiya ay basta magkatulungan sa programang pakikinabangan ng mga Pilipino.

“Halika, magtulungan tayo. Kahit na hindi tayo magkasundo sa polisiya, hindi tayo magkasundo, tanggalin natin ang gulo,” sabi pa ni Marcos.

Aminado ang ­Pangulo na nagsawa na ang publiko sa ingay sa politika kaya kahit ginawa na ang lahat para sa eleksyon ay mayroon pa ring mga natalo sa halalan.

Dismayado rin umano ang mga tao sa serbisyo ng gobyerno dahil hindi nila ito maramdaman dulot ng masyadong mabagal na galaw ng mga proyekto.

Sinabi ng Presidente na hindi nabigyan ng sapat na atensyon ang mga mas maliit na bagay upang maging maginhawa ang pang-araw-araw na buhay ng tao tulad na lamang ng pila sa tren, traffic at iba pa kaya’t ito ang tututukan ngayon ng gobyerno pagkatapos ng eleksyon.

“Tama rin naman eh. Iyan naman talaga ang dapat nating ginagawa. Kaya mabuti, o tapos na ‘yung eleksyon, tama na ‘yung pulitika. Tama na ‘yung pulitika. Magtrabaho – gawin na natin lahat ng kailangang gawin”, pahayag pa ng Pangulo.

PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with