^

Bansa

Torre, Nartatez matunog na next PNP chief

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — I-aanunsiyo ng Malakanyang mula ngayon ang susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay sa gitna ng nalalapit na pagtatapos ng termino at pagreretiro ni PNP Chief General Rommel Marbil sa Hunyo ngayong taon.

Subalit sa ngayon ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro ay wala pa siyang natatanggap na impormasyon mula sa kung sino ang posibleng pumalit sa puwesto kay Marbil.

Bagama’t mayroong mga pangalang lumulutang, ayon kay Castro mas mabuting hintayin na lamang ang anunsiyo mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Sa sandali naman aniyang ibahagi ito ng Palasyo ay kaagad din niya itong isasapubliko.

Kabilang naman sa mga pangalang umuugong na maaaring pumalit sa puwesto kay Marbil ay sina PNP CIDG Chief Major General Nicolas Torre III at dating NCRPO Chief Lt. General Narciso Nartatez Jr..

Nagtapos na ang termino ni Marbil nitong Pebrero subalit dahil panahon ng eleksyon ay pinalawig ni Pangulong Marcos ang kanyang paninilbihan hanggang Hunyo.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with