^

Bansa

63 winning partylists, ipoproklama ngayon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakda na ring iproklama ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Lunes, Mayo 19, ang mga nanalong party-list groups sa katatapos na May 13 midterm elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, nasa 63 ang ­ipoproklama nilang party-list groups.

Isasagawa umano ang proklamasyon dakong alas-3:00 ng hapon sa The Manila Hotel Tent City.

Matatandaang sa katatapos na canvassing ng Comelec, na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC), noong nakaraang linggo, ang Akbayan party-list ang idineklarang nanguna sa bilangan matapos na makakuha ng botong 2,779,621.

Pasok din naman sa Top 15 ang Duterte Youth (2,338,564 boto); Tingog Party-list (1,822,708), 4Ps Partylist (1,469,571); ACT-CIS (1,239,930); Ako Bicol (1,073,119); Uswag Ilonggo (777,754); Solid North Partylist (765,322); Trabaho (709,283); CIBAC (593,911); Malasakit @ Bayanihan (580,100); ­Senior Citizens (577,753); PPP (575,762); ML (547,949); at FPJ Panday Bayanihan (538,003).

Noong Sabado, una nang iprinoklama ng Comelec ang 12 winning senators sa katatapos na midterm elections.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with