SM at DENR, Inilunsad ang ‘Save From Extinction’ Merchandise
MANILA, Philippines — Inilunsad ng SM Supermalls at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga bagong plush toys at trendy na kasuotan mula sa Kultura at Toy Kingdom sa SM Mall of Asia. Ang mga ito ay bahagi ng kampanyang “Save From Extinction” na layuning protektahan ang anim na nanganganib na hayop sa Pilipinas: ang Philippine eagle, Philippine cockatoo, pawikan, dugong, tamaraw, at pangolin.
Ang malilikom na pondo mula sa pagbebenta ng mga produkto ay direktang mapupunta sa kampanya ng DENR para sa konserbasyon ng mga hayop na ito.
- Latest