Independent senators, NPC mangingibabaw sa 20th Congress
MANILA, Philippines — Mangingibabaw sa pagpasok ng 20th Congress ang mga independent senators at mga miyembro ng Nationalist People’s Coalition base sa listahan ng 12 nangungunang kandidato sa pagka-senador sa nakaraang mid-term elections.
Kabilang sa mga independent o walang kinaaanibang partido sina Senators Alan Peter Cayetano, Juan Miguel Zubiri, Raffy Tulfo at Joel Villanueva.
Wala ring partidong pulitikal sina Panfilo Lacson at Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta na kabilang sa pumasok sa “Magic 12.”
Mga miyembro naman ng NPC sina Senate President Francis “Chiz” Escudero, Loren Legarda, Sherwin Gatchalian at JV Ejercito.
Inaasahang madadagdagan ang kanilang bilang sa pagpasok nina Vicente “Tito” Sotto III—na ika-8 sa unofficial count ng Comelec—at ang reelectionist na si Senator Lito Lapid.
Apat naman ang mga senador na miyembro ng Nacionalista Party na kinabibilangan nina Sens. Mark Villar, Pia Cayetano, Imee Marcos at Camille Villar na pasok sa mga inaasahang ipo-proklama ng Comelec.
Muling makakasama ni Sen. Robin Padilla na miyembro ng LDP-PDP Laban ang mga ka-partidong sina Senators Bong Go at Ronald “Bato” Dela Rosa.
Si Sen. Risa Hontiveros ay kaanib ng Akbayan, samantala Puwersa ng Masang Pilipino member si Jinggoy Estrada at Lakas-CMD si Erwin Tulfo.
Si dating senador Bam Aquino ay kasapi ng Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino, at Liberal Party si dating senador Francis “Kiko” Pangilinan.
- Latest