Expanded Free Tertiary Education, isusulong ni Bong Go
MANILA, Philippines — Isusulong ng muling nahalal na Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang “strong commitment” sa pagpapalakas ng sistema ng edukasyon sa bansa—sa pagsasabing ang pamumuhunan sa edukasyon ay napakahalaga sa pagtiyak ng magandang kinabukasan para sa bawat Pilipino.
Kilala sa kanyang malawak na krusada sa repormang pangkalusugan, sinabi ni Go na isa sa kanyang prayoridad sa kanyang susunod na termino ay ang itulak ang higit pang mga programang pang-edukasyon na accessible at inclusive.
Tinukoy ni Go ang matagumpay na pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (Republic Act No. 10931), na nilagdaan bilang batas sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ibinahagi niya na halos ma-veto ang free tertiary education law noong panahon na siya ay Special Assistant to the President pa, ngunit sa pamamagitan ng sama-samang suporta ng iba’t ibang advocates, kabilang siya na tumulong sa pagtatanggol sa panukala, naging batas ito kalaunan.
Ngayon, bilang mambabatas, layon ni Go na palawakin pa ang abot nito.
- Latest