Landslide win ni Duterte nagpapakita nang pagtutol sa ICC arrest - Kaufman

MANILA, Philippines — Nagpapakita lamang na tutol ang publiko sa nakuhang napakalaking boto na nakuha ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa katatapos lamang na 2025 midterm elections sa hakbang ng pamahalaan na burahin ang kanyang legasiya sa bansa.
Ito ang sinabi ng abogado ng dating pangulo na si Nicholas Kaufman, matapos na manalong Alkalde ng Davao City si Duterte sa partial count ng Commission on Elections (Comelec) kung saan nakuha niya ang 539,141 boto laban sa kanyang katunggali na si Karlo Nograles na may 65,090 na boto.
“The solitary ballot paper of Rodrigo Duterte is of less significance than the overwhelming support expressed for him today at the polls,” pahayag pa ni Kaufman.
Dadag pa ng abogado, malinaw na ipinapakita ng mga botante ang kanilang matinding hangarin para maibalik ang dating presidente sa Pilipinas at ang pagtutol aniya sa pagtatangka ng administrasyong Marcos na burahing ang kanyang iniwang legasiya.
“The electorate showed its clear desire for the former President’s return to the Philippines and its total rejection of the Marcos Government’s vain attempt to stamp out his legacy,” ayon pa kay Kaufman.
- Latest