Canvassing ng boto para senador, partylist umarangkada
MANILA, Philippines — Sinimulan na kahapon ng Commission on Elections (Comelec), na tumatayo bilang National Board of Canvassers (NBOC), ang canvassing ng boto sa senatorial at partylist race para sa katatapos na May 12 midterm polls.
Dakong alas-10:30 ng umaga nang mag-reconvene ang Comelec en banc bilang NBOC sa Manila Hotel.
Matapos ito, kaagad nilang sinimulan ang pagbubukas ng Certificate of Canvass (COC) mula sa international posts at Local Absentee Voting (LAV).
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, nasa 175 COCs ang nakatakdang i-canvass ng NBOC.
Kabilang aniya dito ang isa mula sa LAV, 82 mula sa mga lalawigan, 26 mula sa highly-urbanized cities (HUCs), at 64 mula sa overseas voting.
Ani Garcia, target nilang maiproklama ang 12 nanalong senador sa halalan sa weekend.
- Latest