Bong Go: ‘Di ko sasayangin ang inyong tiwala
MANILA, Philippines — Maagaang umalagwa si Senator Christopher “Bong” Go sa partial at unofficial na pagbibilang ng mga boto matapos siyang lumitaw bilang topnotcher sa midterm senatorial elections ngayong taon.
As of ?1:57 p.m. kahapon, si Senator Go pa rin ang nangunguna sa mga senador sa nakuha niyang 26,463,949 boto.
Tumakbo si Go sa isang plataporma na nakatatak o nakabatay sa “may malasakit” na serbisyo-publiko na nakakonekta sa mahihirap.
Ito ang nagbigay sa kanya ng malakas na hatak sa sambayanang Pilipino.
Sinabi ni Senator Go na lubos ang kanyang pasasalamat sa Diyos, sa kanyang mga tagasuporta, at kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagkapanalo.
Naalala ng mambabatas mula sa Davao City ang madalas na payo sa kanya ng dating Pangulo na gawin lang ang tama at unahin ang interes ng bansa at mamamayan.
Matatandaang si Go ang palaging nangunguna sa karera sa pagkasenador, na nagpapakita ng malawakang suporta sa kanyang legislative record.
Nakuha ang monicker na “Mr. Malasakit”, si Go ang utak ng Malasakit Center na na-institutionalized sa pamamagitan ng pagsasabatas ng Republic Act No. 11463, o ang Malasakit Centers Act, na pangunahin niyang inakda at itinataguyod.
Nangako si Senador Go na ang serbisyo-publiko ay mananatiling kanyang pinakaprayoridad sa susunod na anim na taon.
“Hindi ko po sasayangin ang tiwala na binigay ninyo sa akin. Pagmamalasakit at mas maraming serbisyo po ang puwede kong ialay sa ating mga kababayan,” idiniin ni Go.
- Latest