Top 20 voting centers na may pinakamaraming botante, tinukoy

MANILA, Philippines — Inilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang listahan ng top 20 voting centers sa buong bansa na may pinakamaraming bilang ng rehistradong botante para sa May 12 national and local elections.
Base sa listahang ibinahagi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa mga mamamahayag, nabatid na 18 sa mga nasabing lugar ay matatagpuan sa National Capital Region (NCR).
Nangunguna rito ang Nagpayong Elementary School sa 2nd District ng Pasig City na may 47,249 botante.
Kasama rin ang Rosauro Almario Elementary School sa Maynila na may 46,179 voters; Bagong Silang Elementary School sa Caloocan City, 39,765 voters; Commonwealth Elementary School sa Quezon City, 39,120 at Dr. Alejandro Albert Elementary School sa Maynila, 39,038.
Kabilang din ang Tenement Elementary School sa Taguig City, 38,911; Santa Cruz Elementary School sa Antipolo City, 37,688; Bagong Silangan Elementary School sa Q.C, 36,572 at Bagumbong Elementary School sa Caloocan City, 35,905.
Marami ring botante sa CAA Elementary School-Main sa Las Piñas City, 35,597; Malanday Elementary School sa Marikina City, 35,259; Epifanio Delos Santos Elementary School sa Maynila, 33,844; Taguig National High School sa Taguig City, 33,742; at Rizal Elementary School sa Taguig City, 33,376.
Kasama rin ang Nagkaisang Nayong Elementary School sa QC; Rosa Susano Elementary School (Novaliches Elementary School), QC; Alabang Elementary School sa Muntinlupa City; Guadalupe Elementary School sa Cebu City; Fernando Maria Guerrero Elementary School sa Maynila at Timoteo Paez Integrated School sa Maynila.
- Latest