Higit 100 taon kulong hatol sa ex-PAGCOR chief, 4 pa
MANILA, Philippines — Hinatulan ng Sandiganbayan nang higit 100 taong pagkabilanggo si dating Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) chairman Efraim Genuino at apat na iba pa kaugnay nang kasong multiple counts ng graft at malversation of public funds na may kaugnayan sa paglustay sa P187.7 milyong pondo ng PAGCOR.
Gayunman, hindi naman maipatutupad ang naturang hatol ng graft court dahil alinsunod sa Article 70 ng Revised penal Code, ang maximum period ng pagkabilanggo ay hanggang 40 taon lamang.
Noong March 2023, si Genuino kasama ang mga dating opisyal ay nasentensiyahan din ng Sandiganbayan ng 10 taong pagkabilanggo dahil sa umano’y maanomalyang fund disbursements ng halagang P37 million.
Hindi na rin pinapayagan ng batas na makapagtrabaho si Genuino sa alinmang tanggapan ng gobyerno.
- Latest