Malakanyang naalarma sa nahuling Chinese ‘spy’

MANILA, Philippines — Ikinaalarma ng Malakanyang ang pagkakaaresto sa isang Chinese na may dalang spying equipment malapit sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, hinihintay na lamang ng Malakanyang ang pinal na resulta ng imbestigasyon.
“It’s quite alarming. It’s quite alarming and there is still … the President has this trust on the intelligence agents that need the operation. So, we will just have to wait for the final investigation on that matter,” pahayag pa ni Castro.
Sa kabila nito, ipinauubaya naman ng Palasyo kay Defense Secretary Gilbert Teodoro ang pagpapasya kung ipapatawag si Chinese Ambassador Huang Xilian para pagpaliwanagin.
Magugunita na isang Chinese ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos mamataan na umaali-aligid sa tanggapan ng Comelec.
Nakumpiska mula sa suspek ang International Mobile Subscriber Identity (IMSI) catcher na may kakayahan makakalap ng sensitbong data at impormasyon tulad ng text messages, mobile numbers, at tawag sa telepono.
- Latest