^

Bansa

Pangulong Marcos pinagkakatiwalaan pa rin ng maraming Pinoy - OCTA

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos pinagkakatiwalaan pa rin ng maraming Pinoy - OCTA
President Ferdinand Marcos Jr.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Bagamat may ilang hamon sa kanyang administrasyon, muling pinatunayan ng sambayanang Pilipino ang kanilang matatag na tiwala at pagsuporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., batay sa pinakahu­ling resulta ng Tugon ng Masa (TNM) survey ng OCTA Research ngayong Abril 2025.

Lumilitaw sa survey na isinagawa mula Abril 2-5, 2025, na anim sa bawat 10 Pilipino (60%) ang nagpahayag ng matatag na tiwala sa ­Pangulo, habang 59% ang nagpahayag ng kasiyahan sa kanyang pamumuno—isang patunay ng patuloy na malawakang suporta ng taumbayan sa kabila ng mga pagsubok sa ­ilang piling rehiyon.

Sa bahagyang pagbaba ng 5 puntos sa trust rating ng Pangulo mula sa nakaraang quarter, ipinakikita ng pagsusuri ng datos na ang pagbaba ay nakatuon sa Mindanao, isang rehiyon kung saan nananatili ang malalim na impluwensya ng mga Duterte. Nananatiling napakataas ang tiwala kay Pangulong Marcos sa karamihan ng mga rehiyon, kabilang ang makasaysayang 92% sa Ilocos Region, 87% sa Cordillera Administrative Region, at 83% sa Cagayan Valley.

Partikular na kapansin-pansin na walang naitalang kawalan ng tiwala sa Pangulo sa buong Cordillera Admi­nistrative Region—isang matibay na patunay ng walang kapantay na suporta mula sa mga mamamayan.

Ang bahagyang pagbaba sa Mindanao ay madaling maipapaliwanag sa konteksto ng tradisyonal na pulitika at re-alignment sa rehiyon.

Sa kabila nito, nananatiling matatag ang majority trust at approval ratings ng Pangulo sa Luzon, Visayas, at iba pang bahagi ng Min­danao, kung saan mababa rin ang antas ng hindi pagkakasiya. Ang makabuluhang dissatisfaction ay naitala lamang sa Davao, higit pang pinatutunayan na lokal at hindi pambansa ang naturang pagbaba.

Patuloy ding kinikilala ang Pangulo bilang pinaka pinagkakatiwalaang lider pambansa, na may mas mataas na trust at performance ratings kumpara sa iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan, kabilang ang Senate President at House Speaker.

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with