^

Bansa

Revilla dinumog ng mga taga suporta sa Baguio City

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinumog nitong nakarang Sabado ng umaga April 26, 2025 si Senador Ramon Bong Revilla Jr sa kanyang ginawang pag-iikot sa Baguio City.

Hindi magkamayaw ang mga supporters ng senador ng matapos ang pagdalo nito sa misa sa Baguio Cathedral at magsagawa ng motorcade sa lugar.

Sa ambush interview ng mga mamahayag, nabanggit ni Revilla ang ipapatupad ng pamahalaan na P20 kada kilo ng bigay sa susunod na buwan ng Mayo sa rehiyon sa Visayas na aniya’y magandang simula at agarang maipatupad na rin sa buong bansa.

Iginiit ni Revilla na nasa tamang direksiyon ang pamahalaan sa paninigurong makikinabang ang lahat ng mga kababayan natin sa murang bigas na ito.

Ibinida rin ng senador ang kanyang mga iniakdang mga batas na napapakinabangan ng mga kababayan lalo na ang mga lolo at lola tulad ng Republic Act No. 11982 o ang "Expanded Centenarians Act", na makakatanggap ng tig P10,000.00 ang mga lolo at lola na may edad na 80, 85, 90, 95 taon gulang.

Kabilang din sa inakdang batas ni Revilla ang Republic Act 11984, or the “No Permit, No Exam Prohibition Act.” na maari ng makakuha ng exam sa mga paaralan ang mga mag-aaral na hindi pa nakakabayad ng tuition fee.

Tinitiyak ni Revilla na kung sakaling muling makabalik sa senado titiyakin niya na makapag-akda ng mga panukalang batas na higit na pakikinabangan ng ating mga lolo at lola at maging ng ating mga kabataan dahil sila ang pag-asa ng ating bayan.

BAGUIO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with