^

Bansa

Permanente, malinis, at ligtas na evacuation centers isinusulong ni Sen. Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go ang kahalagahan ng pagkakaroon ng dedicated evacuation centers lalo na sa mga disaster-prone areas.

Sa motorcade sa Cainta, Rizal sinabi ni Go na mahalagang matiyak ang pagkakaroon ng infrastructure projects na pakikinabangan ng publiko sa panahon ng krisis.

Una nang igniit ni Go ang kahalagahan ng long-term solutions para matugunan ang problema sa mga flood-prone areas sa bansa.

Ayon kay Go dapat ay mayroong accountability, transparency, at gawing prayoridad ang mga flood control projects na makatutulong sa mga komunidad na madalas maapektuhan ng pagbaha.

Si Go ay siyang principal authory at co-sponsor ng Republic Act No. 12076 o Ligtas Pinoy Centers Act na nagtatakda ng pagkakaroon ng permanente, malinis, at ligtas na evacuation centers sa bawat lungsod at munisipalidad sa bansa. Mahalaga ito ayon kay Go lalo na sa mga bahaing lugar gaya ng Cainta, Taytay, at Marikina City.

“Ako po ang principal author at co-sponsor ng evacuation center. Tuwing nagkakabaha, dapat po meron tayong maayos, malinis. Halimbawa dito sa Cainta, Taytay, Marikina, prone tayo sa baha dito,” paliwanag ng Senador.

Ang mga itatayo aniyang center ay dapat komportable at may maayos na pahingahan. Si Go ay naghain din ng Senate Bill No. 192 na naglalayong magsulong ng Rental Housing Subsidy Program para matulungan ang mga nabibiktima ng kalamidad na magkaroon ng pansamantalang matitirahan.

Inihain din ni Go ang SBN 188 o ang Department of Disaster Resilience (DDR) Act na layong magkaroon ng ahensyang tututok sa national disaster preparedness at response capabilities ng bansa.

BONG GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with