^

Bansa

Principal na nagpatanggal ng toga sa graduation, sinibak!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Principal na nagpatanggal ng toga sa graduation, sinibak!
File photo shows Senator Sonny Angara.
The STAR / Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines — Sinibak na ang principal sa Antique na nagpahubad ng toga sa isang estudyante sa isang graduation rites.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na base sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ay sinibak ang principal ng nasabing eskwelahan.

Nilinaw naman ni Castro na sinibak lamang bilang principal ng eskwelahan subalit lisensyado pa rin ito at maaring makapagturo bagamat susuriin pa rin kung ano ang klase ng kanyang behavior lalo na at isa siyang guro.

Pag-aaralan naman aniya ni Secretary Angara kung dapat pa sampahan ng kaso ang nasabing principal.

Matatandaan na nangyari ang insidente sa Colonel Ruperto Abellon National High School sa Laua-an Antique noong Abril 15, 2025 kung saan nag-viral ang video nang pag-anunsiyo ng principal na hindi dapat magsuot ng toga ang mga graduating student alinsunod pa rin sa panuntunan ng DepEd na gawing simple ang seremonya ng pagtatapos.

ANTIQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with