^

Bansa

Bigas sa halip na cash ayuda – Romualdez

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bigas sa halip na cash ayuda – Romualdez
Weeks before polls, Romualdez asks Lakas-CMD to deliver Alyansa win House Speaker Martin Romualdez speaks before members of ruling party Lakas-CMD at the Malacañang on Tuesday, April 22, 2025.
Office of the Speaker

MANILA, Philippines — Sa halip na cash transfers, target ng liderato ng Kamara na magkaroon ng “rice subsidy programs” sa buong bansa.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, popondohan ng Kamara ang rice subsidy system sa ilalim ng 2026 National Budget.

Sinabi ni Romualdez na sa ngayon ay nakikita nila na mas epektibo ang isang rice subsidy program sa halip na perang ayuda.

Ang paglalaan aniya ng murang bigas sa mga tao ay direktang makatutugon sa kagutuman at tiyak umanong makakarating ang tulong sa hapag-kainan ng mga pamilyang Pilipino. Ibig sabihin, mas mainam na bigas na ang ipamigay para nakabubusog, nakakatulong at tiyak ang patutunguhan, na malaking-bagay din sa seguridad sa pagkain.

Ang pahayag ay kasunod ng nakatakdang bentahan ng P20 kada kilo ng bigas na sisimulan sa Visayas.

BIGAS

KAMARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with