^

Bansa

TRABAHO Partylist nakamit top 16 sa SWS Survey

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “Sweet 16” ang nakamit na pwesto ng 106 TRABAHO Partylist sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa Abril 2025.

Ang kasalukuyang ranggo ng 106 TRABAHO ang pinakamataas rin umano nitong placement sa lahat ng buwanang survey na inilabas ng SWS magmula pa noong Disyembre 2024.

Ang patuloy na pag-angat ng grupo ay sang-ayon din sa isa pang survey na inilabas ng SWS kung saan mas napupusuan ng mga Pilipinong botante ang mga kandidatong nagsusulong ng job creation at proteksyon ng karapatan ng mga manggagawa gaya ng TRABAHO.

Kung ikokonsidera ang statistical tie sa SWS survey, ang range placement ng grupo para sa Abril 2025 ay 16-18 na pwesto- isang mala­king pagtalon mula sa 31-39 noong Marso 2025.

Una sa legislative agenda ng grupo ang kapakanan ng mga mang­gagawang Pilipino, sa pamamagitan ng mga panukalang batas para sa makatarungang sahod, dagdag na benepisyo, seguridad sa trabaho, at inklusibong mga patakaran.

TRABAHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with