Abalos hawak track record na magpapanalo sa Senado

MANILA, Philippines — Naniniwala si dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos Jr. na ang kanyang track record ang magpapanalo sa kanya sa Senado.
Ayon kay Abalos na bagaman at ngayon pa lamang siya tumakbong senador pero dapat tingnan ang kanyang mga nagawa na.
Sinabi ni Abalos na bukas sa lahat ang kanyang track record noong siya ay maging mayor at noong kasagsagan ng COVID-19.
Ipinaalala rin ni Abalos na base sa record, nakakumpiska ang DILG ng nasa P33.8 bilyong halaga ng ilegal na droga noong siya pa ang kalihim ng ahensiya.
Anya, siya pa lamang ang nakapagpa-resign ng lahat ng generals at colonels.
Sa mga nag-resign aniya ay 18 ang tinanggap ang resignation, apat ang “summary dismissed” at 54 ang sinampahan ng kaso.
Umaasa si Abalos na magiging mapanuri ang mga botante at titingnan ang kanyang credentials na wala aniyang bahid noong nanungkulan siyang mayor, congressman, chairman ng MMDA at DILG.
- Latest