P20/kilo ng bigas ibebenta na sa Visayas

MANILA, Philippines — Ibebenta na sa Visayas ang P20 kada kilo ng bigas, ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. makaraan ang closed-door meeting kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagitan ng 12 Visayas governors sa Cebu Provincial Capitol.
Sinabi ni Secretary Tiu Laurel na ang pilot run ng hakbang ay gagawin sa Visayas at gusto rin ng Pangulong Marcos na maipatupad din ito sa buong bansa sa mga susunod na buwan.
“The President has actually given the directive, initially itong programa ng DA was supposed to last until December, pwede pa stretch ‘yan until February. But our President has given the directive to the Department of Agriculture to formulate this to be sustainable and ituluy-tuloy hanggang 2028,’’ pahayag ng kalihim.
Anya, ang ibebentang P20 per kilo ng bigas ay gagawing 10 kilo kada linggo o nasa 40 kilo sa isang buwan.
- Latest