US Avenger Air Defense itinuro, ipinamalas sa Philippine troops
MANILA, Philippines — Itinuro at ipinamalas ng tropa ng Estados Unidos sa mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines ang kapabilidad ng makabagong Avenger Air Defense System na ikinokonsiderang “shoot-on-move” platform sa isinagawang war games sa San Antonio, Zambales.
Sa pahayag ng AFP, naging pokus ng aktibidad na mapamilyar ang paggamit sa Avenger Air Defense System at ang pangunahing mga kagamitang pandigma o ang FIM-92 Stinger missile.
Ang Avenger ay isang mataas na mobile, short-range air defense system, sa integrasyon ng walong ready-to-fire Stinger missiles na nakabala sa Humvee na nagsasagawa ng target engagement laban sa low flying aircraft, helicopters at unmanned aerial systems.
Samantalang ang Stinger missile ay kilala para sa paggabay at fire-and-forget capability’ na nagpapahintulot sa operators para sa mabilisang pag-neutralisa sa aerial targets na may mataas na presisyon.
“This exchange strengthens tactical synchronization, enhances combined operational readiness, and demonstrates the enduring interoperability and mutual commitment of both forces to regional security and defense preparedness,” anang AFP.
- Latest