^

Bansa

Pagsuporta ni VP Sara kay Imee ‘di nagustuhan ng ‘Duter10’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umani ng matinding reaksiyon mula sa mga masigasig na taga-suporta ni dating pangulong Rodrigo Duterte at mga pangunahing personalidad ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang pag-endorso ni Vice Pres. Sara Duterte kay reelectionist Sen. Imee Marcos na dating kasapi ng ­Alyansa.

Umaapela ang mga lider ng PDP-Laban sa publiko na suportahan lamang ang ‘Duter10’ — ang opisyal na senatorial slate na inendorso ni dating pangulong Duterte.

Hindi umano nagustuhan ng mga kandidato at taga-suporta ng ‘Duter10’ ang mga ad ni VP Sara sa telebisyon na nagpapakita ng kanyang pag-endorso sa mga kandidatong hindi kabilang sa opisyal na slate. Itinuturing ito ng marami bilang isang uri ng pagtataksil, lalo na sa gitna ng tensyon sa pagitan ng pamilya Duterte at ng kasalukuyang administrasyong Marcos.

Ayon kay dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque, maaaring bumoto pa rin ang ilan para kay Marcos bilang paggalang kay Duterte, subalit nananatiling isyu ang pagkakaiba ng mga paninindigang pampulitika.

Ipinunto naman ni singer-lawyer at Duter10 candidate Jimmy Bondoc na maaaring may estratehiyang pampulitika sa likod ng mga endorsement ni VP Sara.

Nagbigay rin ng pahayag si Atty. Raul Lambino at hinikayat ang mga Duterte loyalist na huwag pansinin ang endorsement ni VP Sara at bumoto nang straight para sa Duter10, dahil sila lamang ang opisyal na suportado ng PDP-Laban.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with