Mahahalagang benepisyong pamana ni Salceda para sa mga Seniors
MANILA, Philippines — Mahalagang mga benepisyo para sa mga Senior Citizens (SC) ang iiwanan ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda sa pagtatapos ng kanyang termino sa Kamara sa darating na Hunyo.
Nasa limang milyon sa naturang SCs ang mahirap. Nangangampanya siya ngayon sa muling pagka-gubernador ng Albay.
Noong 2024, pinamunuan ni Salceda ang joint House Ways and Means, Senior Citizens (SC), and Persons with Disabilities (PWD) committees o Tricom na bumalangkas ng naturang mga dagdag benepisyo, lalo na sa mga gamot nilang kailangan.
Ayon kay Salceda na kinikilala na ngayon bilang ‘Kampiyon ng Matatanda,’ nakuha rin nila ang pangako ng PhilHealth na dagdagan ang benepisyo nila kaugnay sa mga pangunahing sakit na sanhi ng kamatayan, at gawing simple at higit na madali ang kanilang pagrehistro sa ahensiya.
Kung ihahambing sa 30-50% dagdag pakinabang sa ibang mga kaso ng mga Seniors, malaking hindi hamak ang mga bagong dagdag benepisyong binalangkas ng Tricom nina Salceda sa limang pangunahing sakit na dahilan ng kamatayan ng mga Seniors, gaya ng ‘Schematic heart diseases and cerebrovascular diseases
(Top 1) -- Percutaneous Coronary Intervention (PCI) or coronary angioplasty at Fibrinolysis; b) Pneumonia (Top 2); c) ‘Cerebrovascular disease or stroke (Top 3); d) Cancer (Top 4) -- Breast cancer; at e) Diabetes (Top 5). Niliwanag ni Salceda na ang PhilHealth senior discounts ay hiwalay sa iba pang PhilHealth benefits, na
nangangahulugan ng karagdagang 5%-20% tipid, depende sa laki ng kabawasan.
Sinabi rin ni Salceda na pinakikinabangan na ng mga Seniors ngayon ang dagdag benepisyong tawad sa binibili nilang basic goods – P500 mula sa dating P260 bawat buwan.
Tinanggal na rin ang ‘booklet requirement’ sa pagbili nila ng gamot at libreng pagparada ng sasakyan nila sa parking lot ng mga malalaking malls; at iba pang mga establisamento. Ibinahagi din ni Salceda na pinag-aaralan ng San Miguel Corporation (SMC) kung paano nila mabibigyan ng 20% discount ang mga Seniors na
gumagamit sa mga expressways nito kahit wala ito sa mga umiiral na batas.
Sa ngayon, mahigpit na ring minomonitor ang mga major online shopping networks at online food deliveries kaugnay sa istriktong pagpapatupad ng 20% discount sa mga Seniors na maaari na ring gamitin ang kanilang TNVS [Transport Network Vehicle Service] discounts sa pamamagitan ng pag-upload ng kanilang senior ID card sa mga TNVS app.
- Latest