^

Bansa

Mas maayos na serbisyo para sa OFW: Reporma sa OEC, kontrata isusulong ni Abalos

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isusulong ni dating Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at senatorial candidate Atty. Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang agarang pagsasaayos ng sistema para sa Overseas Employment Certificate (OEC) at proseso ng beripikasyon ng kontrata, na inilarawan ng maraming OFWs bilang luma na, mabagal, at labis na pabigat.

Sa isang dayalogo kasama ang mga OFW mula sa Gitnang Silangan, Europa, at Asya, nakinig si Abalos sa sunud-sunod na hinaing ng mga manggagawa hinggil sa mabagal na sistema ng appointment at mahahabang pila para makakuha ng mga dokumentong ito bago sila makabalik sa kanilang trabaho sa ibang bansa.

Ang OEC ay nagsisilbing exit clearance upang matiyak na maayos ang dokumentasyon at protektado ang mga OFW. Gayunpaman, marami sa kanila ang nagsasabi na sa halip na magsilbing proteksyon, ito ay naging balakid na lamang sa kanilang pag-alis.

“We receive countless suggestions from our modern-day heroes. It’s our duty to listen—and to act, Nakakainis. Napakasimpleng bagay, pinapahirapan pa,” saad ni Abalos.

Maraming OFW ang nagpahayag ng kaparehong pagkadismaya, na sinasabing nawawalan sila ng gana na umuwi upang makasama ang kanilang pamilya at makatulong pa sana sa pagpapasigla ng lokal na turismo sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, maraming OFW ang napipilitang gumastos ng kanilang mahahalagang araw ng bakasyon — na minsan ay hindi pa bayad — para lamang maisaayos ang mga prosesong ito, na nagkakait sa kanila ng oras na sana’y inilaan para sa kanilang pamilya, ayon kay Abalos, na binanggit ang mga karanasan ng mga OFW.

BENJAMIN “BENHUR” ABALOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with