^

Bansa

Designer, contractor, DPWH officials sa bumagsak na tulay, ikulong! – Tulfo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “Malinaw pa sa sikat ng araw na tinipid ang pagkakagawa ng ­bumagsak na Cabagan-Sta Maria Bridge sa Isa­bela para may kumita ng limpak-limpak na salapi!”

Ito ang naging reaksyon ni ACT-CIS ­Partylist Rep. Erwin Tulfo sa isang panayam.

Ayon kay Cong. Tulfo, may nakikita siyang korapsyon sa nangyari sa tulay na bumagsak noong Pebrero 27.

Sinabi ni Cong. Tulfo, “bakit ka gagawa ng tulay sa probinsya na para sa light vehicles lang? It does not make sense!”.

Tanong pa ni Cong. Tulfo “Kung mali ang design, bakit nakalusot sa mga engineers ng DPWH (Department of Public Works and Highways)?”

Nais ni Cong.Tulfo na “Ikulong ang mga may pananagutan sa pagkasira ng nasabing tulay para magtanda at hindi na pamarisan,”.

Aniya, “mantakin mo, higit P1 bilyon na pera ng bayan ang nasayang lang…tinipid ang pagkagawa niyan para malaki ang kickback ng mga korap at kawatan.”

Sabi na niya, “Ang nakakainis pa rito, mali na pala ang disenyo e, bakit hindi ipinahinto ng DPWH sa kontraktor ang paggawa ng tulay?”.

Giit pa ni Tulfo, “natapalan siguro ng contractor ng salapi ang mata ng mga inspectors at supervisors ng DPWH sa lugar na ‘yun kaya lumusot sa government standards ang depektibong tulay.”

ACT

CIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with