^

Bansa

Planong pagpapalawak ng AWAs ng gobyerno suportado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang matibay na suporta sa plano ng gobyerno na itaguyod ang mga alternatibong work arrangements (AWAs) sa 2025, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).

Layunin ng hakbang na ito na magbigay ng solusyon sa patuloy na pagbabago ng pangangailangan ng mga negosyo at manggagawa, kasabay ng integrasyon ng remote at hybrid work setups sa panahon pagkatapos ng pandemya.

Pinuri ni Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng Partylist, ang inisyatiba ng gobyerno na magtatag ng mga flexible work policies na makikinabang ang iba’t ibang uri ng trabaho sa bansa.

Nakikita ang panukalang ito bilang hakbang ­tungo sa paglikha ng mas inklusibo at ­napapanatiling kondisyon sa trabaho na makikinabang ang parehong employer at empleyado, lalo na sa harap ng mabilis na pagbabago ng ekonomiya sa buong mundo.

Binanggit ni Atty. Espiritu na ang mga flexible work arrangements, gaya ng remote work, compressed workweeks, at flexible hours, ay makatutulong sa pagpapabuti ng work-life balance, lalo na para sa mga manggagawang may responsibilidad sa pangangalaga o mga nahihirapan sa transportasyon.

NATIONAL ECONOMIC AND DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with