LOVABLES prayoridad ng Pamilya Ko Partylist

MANILA, Philippines — Prayoridad ng Pamilya Ko Partylist ang pagsusulong ng pantay na karapatan ng mga itinuturing na non-traditional modern Filipinos na nasa labas ng nakaugalian ng pamilya na tinawag nilang LOVABLES.
Sa Meet the Press Forum ng National Press Club sa Intramuros, Manila, sinabi ni Atty. Anel S. Diaz, kinatawan ng Pamilya Ko Partlist, na kabilang sa kanilang sektor ang tinagurian nilang LOVABLES: Live-in partners, OFW families, victims of domestic abuse, adopted families, blended families, LGBTQ+1, extended and elderly at solo parents.
Ayon kay Atty. Diaz, lahat ng miyembro ng kanilang partido ay galing sa mga nabanggit na sektor na pawang may hugot na nagsilbing inspirasyon para ituloy ang kanilang adhikain sa pamamagitan ng paglahok sa eleksyon at magkaroon ng boses sa Kongreso.
Kabilang sa mga isusulong nilang panukalang batas ang pagkakaroon ng pantay na karapatan sa mga bata, lehitimo man o hindi, dahil hindi nila kasalanan na ipanganak sa kanilang estado o ipanganak na dehado.
Ang Domestic partnership law kung saan magkakaroon ng karapatang magmana sa isa’t isa ang matagal nang mag-live in at karapatang magdesisyong medikal sakaling magkaroon ng emergency sa kanilang partner.
Ipinaliwanag ni Atty. Diaz na nananatiling “strangers” ang tingin ng lipunan sa live-in partners kaya sa panahon ng emergency, kapag nalaman na hindi ikaw ang legitimate spouse, nawawalan ang partner ng karapatang magdesisyon ukol sa medikal na kalagayan ng ka-partner. Kabilang din sa isusulong ng partido ang legal framework para sa surrogacy.
- Latest