^

Bansa

Maximum SRP sa karne ng baboy, ipatutupad ng DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Maximum SRP sa karne ng baboy, ipatutupad ng DA
Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, ngayong linggo ay isasapinal na nila ang pag-uusap sa pagitan ng mga stakeholders para sa pagpapatupad ng SRP sa susunod na buwan.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Dulot nang patuloy na pagtaas ng presyo ng karne ng baboy, plano na rin ng Department of Agriculture na ipatupad ang maximum suggested retail price sa naturang produkto sa susunod na buwan ng Marso.

Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, ngayong linggo ay isasapinal na nila ang pag-uusap sa pagitan ng mga stakeholders para sa pagpapatupad ng SRP sa susunod na buwan.

Anya, ang pagpapairal ng SRP sa karneng baboy ay magbibigay daan sa pagbaba ng presyo nito sa mga pamilihan.

Tiniyak naman ni De Mesa na maaring mas mababa pa sa P400 kada kilo ang ipatutupad na maximum SRP sa baboy.

Una nang nagpatupad ang DA ng maximum SRP sa bigas para sa pagpapababa ng presyo ng kada kilo ng bigas.

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with