SSS balak bawasan interest sa salary, calamity loans

MANILA, Philippines — Babawasan ng Social Security System (SSS) ang interest rates na ipinapataw nito sa mga pensioners na may salary/calamity loans upang higit na mapabuti ang serbisyo sa mga ito.
“We are reviewing our guidelines on the Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) Program to simplify requirements and other verification processes for the convenience of our pensioners,” ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Robert Joseph M. De Claro.
Ayon kay De Claro, nagsasagawa na ng pag-aaral ang SSS hinggil sa bawas interest rates bilang tugon sa pahayag ng mga Philippine-based retirement pensioners na may edad 80 taong gulang para mapagaan ang bayad sa naturang mga programa.
Noong 2024 nasa 157,493 ang pensioners ng SSS.
Sa ngayon nasa 10 percent kada taon ang interest rate ng SSS sa salary at calamity loans.
Inaasahan na ang bawas interest rates sa naturang mga pautang ay maipatupad ngayong 2025.
- Latest